Voucher system dapat palawigin hanggang kolehiyo

By Erwin Aguilon June 07, 2019 - 10:50 AM

Hinimok ni 1-Ang Edukasyon Party-list Rep. Salvador Belaro ang gobyerno na pagtuunan ng pansin ang pagpapalawig sa education voucher system sa kolehiyo.

Sinabi ni Belaro na dapat magkaroon na rin ng voucher system sa mga pribadong paaralan para sa mga estudyanteng nagmula sa low-income at lower-middle class families.

Batay aniya sa datos ng Commission on Higher Education, 1.4 million ang enrollees sa SUCs habang mas malaki sa private institutions na mayroong 1.6 million.

Paliwanag ng kongresista, mas maraming mag-aaral ang nag-e-enroll sa pribadong eskuwelahan dahil overcrowded na ang SUCs habang ang ilang lugar ay walang public schools.

Maaari anyang makatulong ang pamahalaan sa mga estudyante sa pamamagitan ng vouchers na iuugnay sa student numbers.

Sa kasalukuyan libre lamang ang matrikula sa state universities and colleges at limitado lang sa kabuuang higher education enrolment.

TAGS: 1-edukasyon, education, Voucher Program, 1-edukasyon, education, Voucher Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.