Biyahe ng LRT-2 nagka-aberya; operasyon ng mga tren sinuspinde

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng line 2 ng LRT.

Pasado alas 10:00 ng umaga ng Biyernes (Junes 7) nang mag-tweet ang LRT-2 na suspendido muna ang operasyon ng kanilang mga tren dahil sa technical problem.

Alas 9:54 ng umaga nang ideklara ang code red sa LRT-2.

Wala namang partikular na dahilan na binaggit ang pamunuan ng LRT-2 sa nangyaring aberya pero ang problema ay sa bahagi ng Cubao Station.

Dahil sa nasabing aberya, pinababa ang mga pasahero na nasa platform na ng LRT-2.

Sa bahagi ng Katipunan station, pinababa ang mga pasahero at inabisuhan silang suspendido ang operasyon.

Read more...