WATCH: PhilHealth may reporma sa pagsasala ng claims ng mga health facility – Duque
Magkakaroon ng dagdag na requirements ang PhilHealth sa pagkubra ng claim ng mga health institutions.
Ito ay matapos ang kontrobersiya na kinasangkutan ng isang dialysis center sa Quezon City na kumukubra pa ng claim para sa isang pasyente na patay na.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi kay Health Sec. Francisco Duque III na layon ng reporma na mas maging “evidence-based” ang pag-document sa claim ng mga ospital o clinics.
Kabilang sa reporma ang pagpapasumite ng claims form number 4 sa mga pasilidad kung saan isasaad nila doon ang mas detalyadong kondisyon at impormasyon ng pasyente.
Tuloy din ang post-audit ng PhilHealth sa mga kwestyunableng claim.
Ayon kay Duque, kahit makakuha ng claim ang isang health facility pero kalaunan ay makitang kwestyunable ang kanilang claim ay ibabawas pa ang nakubrang pera kalaunan.
Maliban dito, posible ring makasuhan ng kriminal at mabawi ang accreditation ng isang pasilidad.\
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.