Arson tinitignang anggulo sa sunog sa isang paaralan sa Cotabato City

By Dona Dominguez-Cargullo June 07, 2019 - 09:56 AM

Nais ng Education Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng mas malalim na imbestigasyon sa sunog na naganap sa isang eskwelahan sa Talitay, Maguindanao.

Ayon ka BARMM Education Minister Mohagher Iqbal, gusto niyang maimbestigahan ang posibilidad na sinadya ang sunog sa apat na silid-aralan sa Barangay Pageda.

Magpapadala ng team si Iqbal sa lugar para makakuha ng iba sapat na impormasyon at makapagsagawa ng imbestigasyon.

Nangyari ang sunog kahapon, June 6 kung saan nasira ang mga silid aralan sa Pageda Elementary School.

Naging kontroberyal ang awayan sa pulitika sa lugar noong katatapos na mid-term elections.

Dahil dito, nais ni Iqbal na matukoy kung mayroong kinalaman ang away-pulitika sa nangyaring sunog.

TAGS: arson, Cotabato City, fire, Pageda Elementary School, school, arson, Cotabato City, fire, Pageda Elementary School, school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.