DOH pinag-iingat ang publiko sa mga sakit kapag panahon ng tag-ulan

Radyo Inquirer File Photo

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na maaring makuha kapag panahon ng tag-ulan.

Ayon sa abiso ng DOH, kabilang sa mga sakit na uso kapag tag-ulan ay typhoid fever, cholera, leptospirosis, malaria at dengue.

Payo ng DOH sa publiko maging mapagbantay sa sintomas ng mga sakit na ito.

Higit na dapat bantayan ayon sa DOH ang mga bata.

Una nang sinabi ng PAGASA na maaring sa susunod na linggo ay magsimula na ang panahon ng tag-ulan.

Read more...