Malalimang imbestigasyon sa ‘ghost dialysis’ pay sa PhilHealth, inihirit ni Sen. Hontiveros
Nais ni Senator Risa Hontiveros na magkaroon ng komprehensibong imbestigasyon sa paglustay ng pondo ng PhilHealth sa ‘ghost dialysis treatments.’
Bunsod ito nang pagbubunyag ni Edwin Roberto na nagbabayad ang PhilHealth ng mga dialysis treatment na hindi naman naisagawa o sa mga patay ng nagpa-dialysis, maging sa mga tao na hindi naman nagpagamot.
Pagdidiin ni Hontiveros hindi lang ang gobyerno ang pinagnanakawan kundi maging ang mga tunay na may sakit sa bato na nangangailangan ng dialysis.
Ibinunyag din ni Roberto na bahagi ng modus ang paniningil ng ‘dialysis treatment’ gayun ibang uri ng paggamot ang isinagawa.
Dagdag pa ni Hontiveros, ang vice chairman ng Senate Committee on Health, dapat ay maayos at matigil muna ang mga pang-aabuso at pandaraya sa health insurance system ng gobyerno bago ipatupad ang Universal Healthcare Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.