Derek Ramsay hiwalay na sa long-time girlfriend na si Joanne Villablanca

By Jimmy Tamayo June 07, 2019 - 08:32 AM
IG Photo
Kinumpirma ng aktor na si Derek Ramsay na hiwalay na sila ng long-time girlfriend na si Joanne Villablanca.

Marami ang nagulat sa nasabing balita dahil nauna nang sinabi ng aktor na napapag-usapan na nila ang kasal kasunod ng paglipat niya sa Kapuso Network.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Derek bagaman tiniyak nitong “mutual” ang desisyon ng paghihiwalay.

Anim na taon nang magka-live in sina Derek at Joanne na isang commercial model.

TAGS: Derek Ramsay, Joanne Villablanca, Kapuso, Derek Ramsay, Joanne Villablanca, Kapuso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.