Kevin Durant hindi makapaglalaro sa Game 4 ng NBA finals; Klay Thompson makababalik naman sa laban

Muling inanunsyo ni Coach Steve Kerr na hindi pa rin makapaglalaro si Kevin Durant sa Game 4 ng NBA finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Ayon kay Kerr, magpapatuloy ang treatment sa two-time MVP kaugnay ng natamo nitong injury.

Pero kinumpirma ng Warriors coach na magbabalik na ang isa sa pambato nilang guard na si Klay Thompson.

Hindi nakalaro si Tompson sa game 3 dahil naman sa strained left hamstring.

Samantala, hindi na rin magbabalik sa best of seven series ang forward na si Kevon Looney dahil naman sa chest injury.

Malaki ang naging epekto ng pagkawala ng tatlong manlalaro ng Warriors nang Malasap nito ang ikalawang pagkatalo laban sa Raptors sa game 3 sa score na 123-109.

Read more...