Red alert at yellow alert iiral sa Luzon grid ngayong maghapon – NGCP
Nananatiling manipis ang reserba ng kuryente sa Luzon Grid.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong Biyernes, June 7, mayroong available capacity sa Luzon na 11,376 megawatts habang ang peak demand ay 11,237 megawatts.
Dahil dito, muling isinailalim ng NGCP sa red at yellow alert ang Luzon grid sa maghapon.
Ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.
Habang red alert naman mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon na kasagsagan ng mataas na demand sa kuryente.
Pinayuhan ng NGCP ang publiko na magtipid-tipid sa paggamit ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.