Warriors investor Mark Stevens pinatawan ng 1-yr ban ng NBA dahil sa pagtulak kay Kyle Lowry ng Raptors
Isang taon na hindi pwedeng manood ng NBA games at dumalo sa iba pang aktibidad ng koponan na si Mark Stevens na isa sa investors ng Golden State Warriors.
Ibinaba ng pamunuan ng NBA ang desisyon laban kay Stevens matapos ang insidente ng pagtulak nito kay Toronto Raptors guard Kyle Lowry sa Game 3 na ginanap kahapon.
Maliban sa 1-year ban inatasan din si Stevens na magbayad ng $500,000.
Si Stevens ay inireklamo ni Lowry dahil sa pagtulak sa kaniya at pagsasalita ng hindi maganda.
Agad namang humingi ng paumanhin si Warriors Coach Steve Kerr kay Lowry at sa Raptors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.