MR ni Poe sa 1st and 2nd division, magkahiwalay na pagdedesisyunan ng Comelec En Banc

By Jong Manlapaz December 15, 2015 - 08:48 PM

grace-poe3Hindi pag-iisahin ng Commission on Elections En Banc ang desisyon sa apela ni Senadora Grace Poe na hingil sa desisyon ng first at second division na nagdidiskwalipika sa kanyang certificate of candidacy sa pagkapangulo.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, mayroon na lamang hanggang bukas ang kampo ni Poe para maghain ng Motion for Reconsideration laban sa desisyon ng Comelec.

Nilinaw naman ni Bautista na hindi naman mandatory o obligado na i-consolidate ang dalawang kaso.

Nais din umano ni Bautista na maisalang sa pagdinig sa En Banc ang kaso ni Poe dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makalahok sa oral argument ng dalawang division.

Pero dahil may target na panahon ang Comelec, pagbabasehan na lamang umano ni Chairman Bautista ng kanyang desisyon sa mga naihaing dokumento.

Bukas, nakatakda muling isalang sa special En Canc session ng Comelec ang MR ni Poe matapos mabigo ang mga myembro ng En Banc na pagbotohan ang kaso kanina.

Samantala itinakda naman sa December 23 ang pagpapalabas ng Comelec sa mga listahan ng mga kandidato sa 2016 elections.

TAGS: grace poe, Motion for Reconsideration, grace poe, Motion for Reconsideration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.