17 patay; 5 sugatan sa bus accident sa Dubai

By Dona Dominguez-Cargullo June 07, 2019 - 06:51 AM

Patay ang labingpitong katao habang sugatan ang 5 iba pa makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang bus sa Dubai, Huwebes (June 6) ng hapon.

Sa tweet ng Dubai Police, sakay ng bus ang 31 katao nang bumangga ito sa isang traffic signal malapit sa metro station.

Sinabi ng pulisya na may iba’t ibang nationalities ang mga nasawi.

Marami sa sakay ng bus ay magpapamilya.

Galing umano sa Oman ang mga sakay ng bus na nagdiwang doon ng Eid Holidays.

TAGS: bus accident, dubai, Eid Holidays, oman, bus accident, dubai, Eid Holidays, oman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.