3 miyembro ng ASG arestado sa Zamboanga City
Arestado ang tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa magkakahiwalay na operasyon sa Zamboanga City.
Ayon kay Brig. Gen. Froilan Quidilla, police regional chief ng Zamboanga Peninsula, naaresto sina Jamik Ibrahim, Majuk Amil at Hashim Aming sa joint operations ng pulis at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Unang nahuli si Aming na naging dahilan ng sunod na pag-aresto kina Ibrahim at Amil.
Ayon sa pulisya, sangkot si Aming sa pag-kidnap sa anim na Jehovah’s Witness sa Patikul, Sulu taong 2001.
Sangkot naman sina Ibrahim at Amil sa pag-kidnap sa mga maggagawa ng Golden Harvest noong June 2001.
Sinabi ni Quidilla na dadalhin ang tatlong suspek sa Maynila ngayong araw ng Biyernes (June 7).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.