26 na ibinubugaw na babae nailigtas sa Antipolo

By Len Montaño June 07, 2019 - 04:57 AM

Nailigtas ang 26 na babae na ibinubugaw sa mga kliyente sa magkahiwalay na operasyon sa Antipolo, Rizal Huwebes ng gabi.

Nagsagawa ng operasyon ng Women and Children Protection Center (WCPC) ng Philippine National Police (PNP) laban sa 2 suspek na nagre-recruit ng mga babae sa social media.

Ayon kay Kimberly Ortega ng Antipolo Social Welfare and Development, 14 sa mga biktima ay menor de edad.

Sinabi naman ng ilan sa mga babae na inimbitahan lamang silang mag swimming at hindi nila alam na pambubugaw na pala ang gagawin sa kanila.

Sasailalim sa intervention program ang mga babae at kakasuhan naman ng human trafficking with exploitation ang 2 suspek.

 

TAGS: 26 babae, Antipolo, human trafficking with exploitation, ibinubugaw, intervention program, menor de edad, nailigtas, 26 babae, Antipolo, human trafficking with exploitation, ibinubugaw, intervention program, menor de edad, nailigtas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.