Pope Francis itinalaga si Fr. Roberto Gaa bilang bagong obispo ng Diocese of Novaliches

Credit: Diocese of Novaliches

Tinanggap na ni Pope Francis ang resignation ng 77-anyos na si Novaliches Bishop Antonio Tobias at itinalaga na rin ang hahalili sa kanyang pwesto para pamunuan ang diyosesis.

Itinalaga ng Santo Papa si Rev. Fr. Roberto Gaa ng Archdiocese of Manila bilang bagong pastol ng Diocese of Novaliches.

Isinapubliko ang appointment kay Gaa, alas-12:00 ng tanghali Huwebes sa Roma na alas-6:00 ng gabi dito sa Pilipinas.

Si Gaa, 57 anyos ay magiging ikatlo nang obispo ng Diocese of Novaliches na may higit dalawang milyong Katoliko sa 69 na Parokya.

Sakop ng diyosesis ang bahagi ng Quezon City at ang North Caloocan.

Si Gaa ay kasalukuyang naninilbihan bilang Rector ng Holy Apostle Seminary (HASS) sa Makati City.

Samantala, si Tobias ay nanilbihan bilang obispo ng Novaliches mula 2003.

Sa ilalim ng Canon law, dapat magsumite na ng resignation ang isang obispo sakaling maabot ang edad na 75.

 

Read more...