Malacañang: Pagbilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin hindi dapat ikaalarma
Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang sa publiko na wala dapat ikaalarma sa naging bahagyang pagbilis ng inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin para sa buwan ng Mayo.
Magugunitang pumalo sa 3.2 percent ang inflation rate noong Mayo kumpara sa 3.0 percent noong Abril.
Sa isang pahayag araw ng Huwebes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang bahagyang pagtaas sa presyo ng ilang produktong pang-agrikultura tulad ng gulay, isda, prutas, maging ang housing, tubig at utilities ang dahilan ng pagtaas ng inflation rate noong nakaraang buwan.
Dulot anya ito ng tumaas na presyo ng produktong petrolyo sa world market na pinalala pa ng El Niño phenomenon.
“High spending in food and alcoholic beverages during the preceding campaign period, coupled with the rise of the international prices of fuel and aggravated by the El Niño phenomenon in the peak summer month of May, resulting in food price inflation of fish and vegetable, spiked the inflation rate,” ani Panelo.
Iginiit naman ni Panelo na pasok ang May inflation rate sa naging forecast ng BSP na 2.8 hanggang 3.6 percent kaya’t wala dapat ikaalarma.
Siniguro rin ng kalihim na nakikita ang downtrend o pagbaba sa inflation rate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.