National Youth Commission may bagong officer-in-charge

Nagtalaga ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng pansamantalang mamumuno sa National Youth Commission (NYC) matapos ang kontrobersyal na pagbibitiw ni dating chairperson Ronald Cardema.

Itinalaga bilang officer-in-charge si Paul Pangilinan ang kasalukuyang Assistant Secretary at Commissioner-at-Large ng ahensya.

Inilabas ng DILG ang kautusan noon pang Martes pero naisapubliko na Huwebes ng gabi.

Bago magkaroon ng posisyon sa NYC, nagsilbi bilang Sangguniang Kabataan chairman at Barangay Kagawad sa Quezon City si Pangilinan.

Naging chairman din ito ng Global Mobility, Environment and Social Inclusion and Equity Committee ng NYC.

Magugunitang gumawa ng ingay ang biglaang resignation ni Cardema para ipetisyon ang pagiging first nominee ng Duterte Youth partylist.

 

Read more...