Putin makakapulong si Pope Francis sa ikatlong pagkakataon

By Rhommel Balasbas June 07, 2019 - 04:11 AM

Vatican photo

Inanunsyo ng Vatican araw ng Huwebes ang nakatakdang pulong ni Russian President Vladimir Putin kay Pope Francis sa July 4.

Ang panibagong engkwentro ng dalawa ay inaasahang magbibigay daan sa makasasayang papal visit sa Russia.

Ang ikatlong pulong ni Putin sa lider ng Simbahang Katolika ay sa gitna nang gumagandang relasyon ng Vatican at ng Orthodox Churches.

Magugunitang noong 2016, nag-usap sina Pope Francis at Orthodox Patriarch Kirill na inisyal na hakbang upang masimulan na ang paghilom ng sugat sa relasyon ng western at eastern Christian Churches.

Halos 1,000 na ring malamig ang relasyon ng dalawang Simbahan.

Sa nakalipas, sinubukang imbitahan nina Mikhail Gorbachev, huling lider ng Soviet Union at Boris Yeltsin, unang presidente ng post-Soviet Russia si Pope John Paul.

Gayunman, hindi naging posible ang papal visit dahil sa tensyon sa pagitan ng Vatican at Russian Orthodox Church, na pinakamalaking bahagi ng Orthodoxy na may 165 milyon miyembro ng kabuuang 250 milyon Orthodox Christians sa buong mundo.

Ang pulong noong 2016 kay Kirill ay kauna-unahang pulong sa kasaysayan ng isang Roman Catholic pope at Russian Orthodox patriarch.

Gumagawa rin ng kasaysayan si Pope Francis sa ginagawang pagbisita sa predominantly Orthodox countries tulad ng Romania noong nakaraang linggo at Bulgaria at North Macedonia noong Mayo.

 

TAGS: Orthodox Christians, Papal Visit, pope francis, roman catholic, Russia, Russian President Vladimir Putin, Vatican, Orthodox Christians, Papal Visit, pope francis, roman catholic, Russia, Russian President Vladimir Putin, Vatican

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.