Duterte muling iginiit ang pagpalit sa Smartmatic

By Rhommel Balasbas June 07, 2019 - 04:06 AM

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang pahayag na dapat nang palitan ang Smartmatic bilang technology provider ng bansa sa automated elections.

Sa talumpati sa paggunita ng Eid’l Fitr sa Davao City araw ng Huwebes, iginiit ng pangulo na dapat maghanap ng bagong kumpanya na ‘fraud free’ o walang magiging aberya sa susunod na halalan.

Nagbabala si Duterte na maaaring magkasa ng rebolusyon ang mga mamamayan kung patuloy na magaganap ang mga iregularidad sa halalan.

Inihalimbawa ng pangulo ang isang Maranao na anya’y kapag dinaya ay hindi kailanman matatahimik.

Sinabi ng punong ehekutibo na ayaw niya ng provider na makakagawa ng palpak at masasayang ang kahit isang boto lamang.

“Ang sinabi ko naman diyan sa Smartmatic, even if there is one vote that is wasted hindi maganda ‘yan. It will foment and it will generate…Sabi ko maghanap kayo nang bago na walang palpak ni isang boto,” ani Duterte

Ang pahayag ng presidente ay ilang oras lamang matapos ianunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na batay sa isinagawang random manual audit, ang accuracy level ng vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic sa May 2019 polls ay umabot sa 99.9953, pinakamataas sa nagdaang apat na halalan.

 

TAGS: automated elections, comelec, Eid'l Fitr, fraud-free, random manual audit, Rodrigo Duterte, smartmatic, vote counting machine, automated elections, comelec, Eid'l Fitr, fraud-free, random manual audit, Rodrigo Duterte, smartmatic, vote counting machine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.