DICT sa mga eskwelahan: Itigil ang paggamit ng social media sa assignment at project
Maglalabas ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng memorandum circular para itigil ng mga eskwelahan partikular ng mga guro ang paggamit ng social media sa pagbibigay ng class project at homework.
Ayon kay Information Technology Officer Gen Macalinao, dapat nang mahinto ang gawi na gumagawa ang mga guro ng group chat para doon sabihin sa mga estudyante kung may asignatura o proyekto.
“So one of the salient points of the circular that we are working on, because one of the DICT’s mandate is to formulate policies and initiatives on cybersecurity in coordination with the DepEd (Department of Education) and Ched (Commission on Higher Education), is for academic institutions to cease using social media,” ani Macalinao.
Nag-ugat anya ang hakbang mula sa reklamo ng mga magulang na ilang guro ang gumagamit ng Facebook o Messenger para magsabi ng assignment at project.
“I experienced this through my 16-year-old [son],” Macalinao shared. “If I tell him to stop on social media, he’ll show me the chat of the teacher and show me that the teacher actually created a group and post the assignments there.”
Paliwanag ng opisyal ng DICT, kung may ipapaalam na impormasyon online, dapat ay sa tamang platform gaya ng email at hindi sa social media gaya ng group chat.
Isasapinal ang ahensya ang polisiya sa taong ito at magkakaroon ng konsultasyon ukol sa isyu sa kanilang tanggapan sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.