Bagyong ‘Nona’ humina habang nasa Northern Mindoro

By Mariel Cruz December 15, 2015 - 08:24 PM

5PM WEATHER BULLETIN
Larawan mula sa PAGASA

Bumagal ang pagkilos ng bagyong Nona habang tumatawid sa Northern Mindoro.

Kumikilos ito sa 11 kilometers per hour pa-kanluran.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 170 kilometers per hour.

Sa latest weather bulletin na inilabas ng PAGASA kaninang 5pm, huling namataan ang bagyong Nona sa kalupaan ng Santa Cruz, Oriental Mindoro.

Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay nasa landmass pa ng bansa ang bagyong Nona ngunit tatahak ito papuntang West Philippine Sea mamayang gabi at inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng tanghali.

Nakataas ngayon ang Public Storm Warning Signal Number 3 sa Oriental Mindoro at Occidental Mindoro kasama na ang Lubang Island.

Nakataas naman ang Signal Number 2 sa Batangas, Cavite, Marinduque, Romblon at Calamian group of Islands

Habang Signal Number 1 naman Metro Manila, Bataan, Southern Zambales, Bulacan, Laguna, Rizal, Quezon at Northern Palawan kasama na ang Cuyo Island.

Patuloy na nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods, landslides at storm surges ng hanggang dalawang metro sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal Number 2 at 3.

Samantala, binabantayan ngayon ng PAGASA ang isa pang bagyo na posibleng pumasok sa PAR.

Oras na pumasok ito sa PAR, papangalanan itong bagyong Onyok.

TAGS: Bagyong Nona update, Bagyong Nona update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.