June 24 idineklarang special non-working day sa Maynila
Idineklara ng Palasyo ng Malacañang ang June 24 bilang special-non working day sa Maynila.
Ito ay para sa pagdiriwang ng lungsod sa ika-448 pagkakatatag nito.
Ang deklarasyon ng holiday ay sa pamamagitan ng Proclamation No.731 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ayon kay Medialdea, karapatan ng mga Manileño na mabigyan ng pagkakataon na maipagdiwang ang 448th Araw ng Maynila.
“It but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies,” ayon sa proklamasyon.
Ito na ang huling paggunita sa Araw ng Maynila sa ilalim ng pamumuno ni dating pangulo at outgoing Mayor Joseph Estrada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.