Jeep nahulog sa bangin sa Bohol: 2 patay, 26 sugatan

By Angellic Jordan June 07, 2019 - 01:18 AM

Credit: Noel Kerr Caneda

Patay ang dalawa katao habang sugatan ang 26 iba pa makaraang mahulog ang sinasakyang jeep sa bangin sa Tagbiliran City, Bohol Huwebes ng hapon.

Ayon kay Maj. Christopher Navida, hepe ng Tagbiliran City police, binabagtas ng jeep kasunod ng isang kotse ang pababang kalsada nang biglang mabangga ng trak ng bumbero sa Barangay Mansasa.

Nagmula ang trak ng bumbero sa kabilang lane mula sa bayan ng Baclayon.

Dinala ang mga sugatang biktima sa Governor Celestino Gallares Hospital.

Sa ngayon, ang tatlong drayber ay nasa kustodiya ng pulisya para sa isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

 

TAGS: Bohol, Jeep, kotse, nahulog sa bangin, pababang kalsada, Tagbiliran, trak ng bumbero, Bohol, Jeep, kotse, nahulog sa bangin, pababang kalsada, Tagbiliran, trak ng bumbero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.