DENR ipapasara ang iligal na dumpsite sa Siargao

By Noel Talacay June 07, 2019 - 12:49 AM

Gustong ipasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang illegal open dumpsite na nasa protected area sa Siargao.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, naglabas ang ahensya ng cease and desist order kontra sa isang illegal open dumpsite sa Sitio Santa Rosa.

Giit ni Antiporda, posibleng magkaroon ng masamang epekto sa kalidad ng tubig sa Siargao ang naturang dump site.

Base sa ulat ng DENR, aabot sa 6 hanggang 8 toneladang basura, kasama na ang construction waste, ang tinambak sa nasabing dumpsite.

Gaya ng Boracay, isasailalim din sa rehabilitasyon ang Siargao dahil popular ito sa buong mundo bilang surfing capital ng bansa.

 

TAGS: Basura, cease and desist order, DENR, illegal open dumpsite, protected area, siargao, Basura, cease and desist order, DENR, illegal open dumpsite, protected area, siargao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.