Bayad ng Philhealth sa ‘ghost’ dialysis treatment pinaiimbestigahan ni Zarate

By Erwin Aguilon June 07, 2019 - 12:35 AM

Pinaiimbestigahan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa pamahalaan ang ulat na nagbabayad ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth para sa “ghost” kidney dialysis treatment.

Base sa report, may isang treatment center sa Quezon City na patuloy umanong nanghihingi sa PhilHealth ng dialysis payments kahit na pumanaw na ang kanilang pasyente.

Sinabi ni Zarate na maraming namamatay dahil hindi kinakaya ang mataas na bayarin para sa dialysis treatments ngunit ninanakawan lang pala sila ng mga mapagsamantalang negosyo.

Iginiit rin ng Bayan Muna na sa halip na ilaan para sa mga lehitimong pasyente ay sa bulsa ng mga negosyante napupunta ang pera ng PhilHealth.

Dahil dito, tiniyak ng grupo na isusulong nila sa pagpasok ng 18th Congress ang panukalang batas para gawing libre ang dialysis treatment sa lahat ng pasyente.

 

TAGS: 18th congress, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, dialysis treatment, ghost, imbestigahan, philhealth, 18th congress, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, dialysis treatment, ghost, imbestigahan, philhealth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.