Mga brands ng toyo at patis sunod na susuriin ng PNRI
Nakatakdang suriin ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang mga brands ng toyo at patis para tiyakin na ang produkto ay ayon sa standard production processes.
Gagamit ang PNRI ng advanced nuclear technology para malaman kung ang naturang uri ng mga panlasa o sawsawan ay naglalaman ba ng synthetic ingredients.
Samantala, sinabi ng grupong Philippine Risk Profiling Project na magsasagawa rin sila ng sariling pag-aaral sa toyo at patis.
Ayon sa grupo, ang standard production ng soy sauce at fish sauce ay dapat na sa pamamagitan ng fermentation.
Ang hakbang ay kasunod ng mga ulat na ilang gumagawa ng toyo at patis ay gumagamit ng hydrochloric acid o muriatic acid para pabilisin ang mahabang proseso ng fermentation.
Paliwanag ng grupo, maaari itong mag-produce ng kemikal na posibleng mapanganib sa kalusugan ng tao.
Ang pagsusuri ng PNRI sa mga brands ng toyo at suka ay kasunod ng una nilang test kung saan lumabas na 15 brands ng suka ay mayroong synthetic acetic acid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.