Pork meat products mula China nasabat ng BOC sa Subic
Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang pork meat products na nagkakahalaga ng P600,000 sa Port of Subic.
Ayon sa BOC, nasabat ang kontrabando alinsunod sa utos ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Agriculture (DA) kaugnay ng pansamantalang ban sa pagpasok sa bansa ng pork meat products mula sa mga bansang pinaniniwalaang apektado ng African Swine Fever (ASF) kabilang na ang China.
Sinabi ng Bureau of Animal Industry quarantine officers na ang shipment ay naglalaman ng fish tofu at mga kahon ng pork meat products.
“The Port immediately issued Alert Order No. A/DC/SUB/20190529-01 after the lodgement of the said shipment and was later found to contain pork meat products – pork balls with a declared value of P600,000,” pahayag ng BOC.
Agad na naglabas ng Warrant of Seizure and Detention sa shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa memorandum ng DA.
Una rito ay 16 na bansa ang pinangalanan ng FDA kung saan pwedeng manggaling ang mga produktong apektado ng ASF.
Mula sa ban noong September 2018, sakop na ng ban ang mga pork meat products mula sa China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, at Belgium.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.