90 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Valenzuela

Screengrab of Noel Talacay video

Umabot ng 30 kabahayan ang natupok at 90 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Tampoy 2, Barangay Marulas, Valenzuela, Huwebes ng gabi.

Mabilis na iniakyat sa ikaapat na alarma ang sunog dahil gawa sa light materials ang lahat ng kabahayan.

Nagsimula ang sunog bago mag alas 7:00 gabi.

Ayon sa mga residente, dahil sa umanoy naiwan na sinaing ang pinagmulan ng sunog.

Banda 8:23 ng gabi idineklarang fire under control ang sunog.

Wala naman na nasugatan at nasaktan sa nasabing sunog.

Patuloy ang imbestigasyon ng Valenzuela City Fire Department kung magkano ang halaga ng nasunog na mga ari-arian.

Read more...