Duterte sa Marawi rehab fund: ‘Ano ba naman ‘yang P5M?’
Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City na ginamit sa pilgrimage ng ilang naapektuhang residente sa Mecca sa Saudi Arabai.
Kamakailan ay sinabihan ng Commission on Audit (COA) ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na ibalik ang P5 milyon na ginamit sa hajj ng mga nabiktima ng gulo sa Marawi City.
“I’m asking COA to reconsider. Ano ba naman ‘yang P5 million? Actually ‘yang P5 million is worth billions in terms of your kind, I said generosity, to finance the poor people, (the poor) Muslim para makapag-Hajj,” ani Duterte sa kanyang pulong sa mga Muslim sa selebrasyon ng Eid al-Fitr sa Davao City.
Unang sinabi ni HUDCC chief Eduardo del Rosario, pinuno ng Marawi rehab, ang P5 milyon na inilabas sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ay bahagi ng “social healing process” para sa pagbangon ng Marawi City.
Pero sinabi rin dati ng Malakayang na maaaring maharap sa kasong technical malversation ang mga opisyal na naglipat ng P5 milyon mula sa Marawi rehabilitation para pondohan ang gastos sa Hajj pilgrimage ng mga residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.