3 arestado sa buy bust sa Cebu

Arestado ang tatlong drug suspect sa buy-bust operation sa Talisay City, Cebu Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa Talisay City police Drug Enforcement Unit, naaresto sina Mark Anthony Navarete Toh o alyas “Makoy,” Ruferd Gella at Juanito Amahan Junior sa Barangay Dumlog bandang ala una ng madaling-araw.

Pinaniniwalaan ng pulisya na miyembro si alyas “Makoy” ng isang international drug syndicate.

Nakuha sa mga suspek ang mahigit-kumulang 21 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P145, 860.

Ayon kay Lt. Col. Marlu Conag, hepe ng Talisay City police DUE, target sa operasyon ang 28 anyos na si Toh matapos makatanggap ng mga ulat sa kahina-hinalang aktibidad nito.

Lumabas pa sa inisyal na imbestigasyon na naaresto na si Toh dahil sa ilegal na droga sa Dubai taong 2017.

 

Read more...