Georgina Wilson kasama ang mga kaibigan sa ‘relaxing’ baby shower
Nagkaroon ng nakaka-relax at masayang baby shower ang model at entrepreneur na si Georgina Wilson.
Si Georgina ay buntis sa kanilang ikalawang baby ng asawang si Arthur Burnand.
Sa Instagram, makikita sa mga ibinahaging larawan ng kaniyang malalapit na kaibigan na nakasuot ang lahat ng silk pajamas.
Naging enggrande lalo ang baby shower dahil katuwang dito ang luxury skincare brand na La Mer.
Ilan sa mga bisita ni Georgina sa baby shower ang mga kapwa-‘it girls’ na sina Liz Uy, Martine Cajucom at pinsan na sina Isabelle Daza at Ava Daza.
Present din ang kapatid na si Jess Wilson at mga fashion bloggers na sina Laureen Uy at Nicole Andersson.
Samantala, maliban sa skin care products, mayroon ding cookies sa baby shower mula naman sa Mood Bake ni Liz at milk drinks sa FRNK Milk Bay ni Isabelle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.