Philhealth: WellMed kinasuhan na at inalisan ng accreditation
Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) na sinampahan na nila ng administrative charges ang isang dialysis center sa Quezon City na sangkot sa paniningil ng claims para sa isang patay na pasyente.
Sinabi ng Philhealth na kinasuhan na nila ang WellMed Dialysis and Laboratory Center na matatagpuan sa Novaliches, Quezon City noon pang buwan ng Nobyembre dahil sa misrepresentation at falsification of claims.
Apat na mga duktor ang sinasabing respondent sa naturang reklamo.
Tiniyak pa ni Roy Ferrer, acting president at CEO ng PhilHealth na hindi nila palalampasin ang mga kahalintulad na pagsasamantala sa pondo ng ahensiya.
Nauna nang ibinunyag sa ulat ng Philippine Daily Inquirer na ang PhilHealth ay patuloy sa pagbabayad sa dialysis treatments ng isang pasyente na namatay na noon pang 2016.
Ibinase ang nasabing ulat sa testimony ani Edwin Roberto na isang dating empleyado ng WellMed.
Ipinaliwanag pa ng PhilHealth na aalisin na rin nila ang accreditation ng WellMed at noon pang buwan ng Pebrero ay itinigil na rin nila ang pagbabayad ang mga claims sa nasabing dialysis center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.