DepEd: Hindi namin pinapabayaan ang problema sa mga paaralan

By Clarize Austria June 06, 2019 - 05:31 PM

Photo: Maricel Herrera

Ginagawa na ng Department of Education ang lahat ng kanilang makakakaya upang bigyang solusyon ang isyu sa pasilidad ng Bacoor National High School – Molino Campus sa Cavite.

Ito ay ayon sa inilabas na pahayag ng kagawaran kaugnay ng paggamit ng paaralan sa isang palikuran bilang faculty room ng mga guro.

Paliwanag ng DepEd, nagdesisyon anila ang eskwelahan na magkaroon na lamang ng single shift na klase kung kaya’t piniling ibalik ang dating faculty room bilang isang classroom.

Dulot na rin anila ito ng mahigit sa 7,000 mag-aaral na pumapasok sa nasabing paaralan ngayong school year.

Ayon sa DepED, sa kabuuang 236 na guro ng eskwelahan, ang 11 gurong pumayag ay ang mga nag-reklamo tungkol dito sa social media.

Sinisiguro naman ng DepEd na ang magiging pansamantalang solusyon sa isyu ay magiging katanggap-tanggap sa lahat.

Dagdag pa ng kagawaran, isinama na nila sa 2020 budget request na ipapadala sa Department of Budget and Management ang karagdagang pondo para sa pagpapagawa ng mga pasilidad.

Nauna nang inamin ng mga nagreklamo guro na sila ay miyembro ng militang samahan na Alliance of Concerned Teachers (ACT).

TAGS: ACT, Bacoor National High School, cavite, deped, Maricel Herrera, ACT, Bacoor National High School, cavite, deped, Maricel Herrera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.