Lagman posibleng pambato ng oposisyon sa House speakership

By Erwin Aguilon June 06, 2019 - 04:21 PM

Isa si Albay Rep. Edcel Lagman ang pinagpipilian ng House Minority Group na tumakbo bilang House Speaker mula sa oposisyon.

Ayon kay Lagman, isa lamang siya sa mga contender ng oposisyon para sa minority leadership pero may iba pa na pinagpipilian.

Layunin lamang anya nito na makuha ng minorya ang minority leadership.

Hindi muna binanggit ni Lagman ang iba dahil kasalukuyan pa lamang ang kanilang deliberasyon dito at ayaw din niyang pangunahan.

Tiniyak nito na hindi magiging obstructionist ang oposisyon sa 18th Congress at maaaring makipag tulungan ang minorya sa mayorya lalo na sa pagsusulong sa kapakanan ng publiko at pagsunod sa batas.

Nanawagan naman si Lagman sa supermajority na hayaan na magkaroon ng tunay na oposisyon sa Kamara at hindi na maulit ang “majority’s minority” kung saan sinasabing kaalyado pa rin ang nailuklok na lider ng Minorya noong 17th Congress.

TAGS: Congress, house speaker, lagman, minority, Congress, house speaker, lagman, minority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.