99.99% accuracy ng halalan ipinagmalaki ng Comelec

Natapos na ang isinagawang Random Manual Audit kahapon ayon kay RMA committee commissioner-in-charge Luie Tito Guia.

Ito ay matapos magsagawa nga RMA sa 711 presinto sa buong bansa para sa nakaraang 2019 midterm elections na inabot ng 22 araw.

Ayon kay Commissioner Guia, ayon sa resulta ng audit ang overall accuracy rate ay 99.9953% na siyang pinakamataas simula noong automated 2010 elections.

Ang accuracy rate naman para sa mga senador ay 99.9971%, sa mga kongresista ay 99.9946% habang sa mga alkalde naman ay 99.9941%.

Nilinaw naman ng Comelec na paunang report pa lamang ito at magpupulong muli ang mga opisyal ng dalawang linggo upang ayusin ng pinal na report at recommendation ng resulta.

Kasama ng Comelec ang Legal Network for Truthful Elections o Lente Ph, Philippine Statistics Authority (PSA), at Philippine Institute of Certified Public Accounts (PICPA) sa pagsasagawa ng audit.

Read more...