Trillanes ipinagyabang na mayroon siyang pambwelta kay alyas “Bikoy”

By Angellic Jordan June 06, 2019 - 03:56 PM

Inquirer file photo

Inihayag ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroon silang ebidensya laban kay Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy.’

Si Advincula ang nagturo kina Trillanes at iba pang miyembro ng oposisyon at pari na nasa likod umano ng “Ang Totoong Narcolist” video.

Sa halip na ilahad ang mga alegasyon sa media, hinikayat ni Trillanes ni Advincula na dalhin ang isyu sa korte.

Kung may kaso, sinabi ng senador na sa korte na niya ilalahad ang kanilang mga ebidensya.

Dagdag pa ng senador, hindi pa rin inilalabas ang affidavit ni Advincula.

Sa naturang video, inilahad ni Advincula ang pagkakasangkot umano ng ilang kaanak at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na transaksyon ng droga.

Kalaunan ay binawi niya ang mga naunang pahayag at sinabing si Trillanes kasama ang ilang mga taga-oposisyon ang tunay na nasa likod ng nasabing narco video.

Sinabi rin niya na mismong si Trillanes ang kumausap sa kanya para sa nasabing video at ang mambabatas rin ang nagbigay sa kanya ng seguridad.

TAGS: advincula, bikoy, narco video, trillanes, advincula, bikoy, narco video, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.