DOH tuloy ang paghahanap sa mga toxic na school supplies
Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko, lalo na ang mga magulang, na maging maingat sa pagbili ng mga school supplies para sa kanilang mga anak.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, dapat maging metikuloso sa pagbasa ng mga label ng mga kagamitan para matiyak na walang delikadong materyales ang gamit ng kanilang mga anak.
Kung sakali aniyang magkaroon ng masamang epekto ang mga gamit, agad magpakonsulta sa doktor.
Nagpapatuloy umano ang kanilang pagbabantay para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa ilang toxic na school supplies.
Matatandaang nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa ilang produkto na mayroong nakalalasong materyales.
Kasama rito ang mga produktong:
– 12-in-1 pencil
– Fairyland 16 crayons
– Leehoe Glitter Fabric Paint Pens
Sinabi ng FDA na mayroon itong lead, cadmium at mercury na wala sa kanilang market standards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.