DOJ humingi ng kopya ng affidavit ni Bikoy sa PNP
Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na humingi na siya sa Philippine National Police ng kopya ng affidavit at mga ebidensya na isinumite ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.
Ito ay kaugnay sa mga personalidad na sangkot sa video na nagdawit sa pamilya Duterte at ilang kaibigan sa kalakaran ng iligal na droga.
Gayunman ay sinabi ni Guevarra na habang hinihintay pa ng DOJ ang kopya ng affidavit ni Bikoy ay maaari na aniyang simulan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat kaugnay sa mga ibinunyag ni Bikoy.
Nilinaw pa ni Secretary Guevarra na dahil nagsumite na ng affidavit ay maaari na aniyang maghain ng aplikasyon si Bikoy sa Witness Protection Program ng DOJ kung nais nitong maging state witness.
Sa kasalukuyan ay nasa protective custody ng PNP si Bikoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.