9 na mangingisda arestado matapos mahulihan ng pampasabog sa Camarines Norte

By Dona Dominguez-Cargullo June 06, 2019 - 12:09 PM

Siyam na mangingisda ang dinakip ng mga otoridad matapos mahulihan ng pampasabog sa karagatang sakop ng Camarines Norte.

Ayon sa Camarines Norte police, kinilala ang mga naaresto na sina:

Jose Serit
Jerrymil Roldan
Dennis Caranza
Glady Incontro
Joel Royol
Jaymar Flores
Roy Royol
Menandro de Vera
Melvin Pacumbala

Pawang residente ng Barangay Calero, ang siyam at inaresto dakong alas 9:00 ng gabi sa bayan ng Jose Panganiban.

Nakuhanan sila ng limang kilo ng ammonium nitrate, tatlong blasting caps na gagamitin para sa detonation, isang compressor, hose, 10 container ng assorted fish, at apat na containers ng sea cucumber.

Ayon sa pulisya aabot sa P415,000 ang halaga ng mga nakumpiskang gamit sa mga mangingisda.

Nakatakda silang sampahan ng kaso.

TAGS: Camarines Norte, Jose Panganiban, Radyo Inquirer, Camarines Norte, Jose Panganiban, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.