Raptors nakabawi sa Warriors, wagi sa Game 3 ng NBA finals

Malaki ang naging epekto ng pagkawala ng tatlong manlalaro ng Golden State Warriors sa Game 3 ng NBA Finals.

Tinalo ng Toronto Raptors ang Warriors sa score na 123 – 109

Hindi pa rin kasi nakalaro para sa Warriors si Kevin Durant dahil sa injury. Habang kapwa din injured sina Klay Thompson at Kevon Looney.

Halos si Stephen Curry lang ang naging sandigan ng Warriors at gumawa ito ng 47 points.

Top scorer naman sa Raptors si Kawhi Leonard na may 30 points habang mayroong 23 points si Kyle Lowry.

Dahil sa panalo, lamang na ang Raptors at naitala ang 2-1 sa serye.

Sa Sabado ng umaga oras sa Pilipinas magaganap ang Game 4 sa pagitan ng dalawang koponan.

Read more...