Senator-elect Bong Go interesado sa apat na komite sa Senado

Interesado si senator-elect Bong Go sa apat na komite sa Senado.

Ayon kay Go, sinabihan na sila ni Senate President Tito Sotto III na magsumite ng listahan ng mga komite na nais nilang pamunuan.

Interesado si Go sa Senate committees on health, education, sports o urban planning, at housing and resettlement.

Ani Go, nais kasi niyang makatulong kaya malaking bagay kung magiging chairman siya ng nabanggit na mga komite.

Pero ayon kay Go, nasa desisyon pa rin naman ito ng majority bloc ng senado.

Mababakante ang chairman ship ng health at urban planning committees na iiwan ni outgoing Sen. JV Ejercito.

Mababakante rin ang committe on education na hawak ni outgoing Sn. Chiz Escudero.

Habang si Sen. Manny Pacquiao ang chairman ngayon ng sports committee.

Read more...