Katawan ng lalaking hinihinalang biktima ng salvage natagpuan sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo June 06, 2019 - 10:23 AM

Natagpuan ang katawan ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage sa kalsadang sakop ng Burgos, Quezon.

Nakita ang katawan sa bahago ng Barangay Sipa, alas 8:00 ng gabi ng Miyerkules (June 5).

May balot ng packaging tape ang ulo ng biktima at may tapal din ang bibig nito.

Tinali din ang kaniyang kamay at paa at may tama ng bala ng baril sa ulo.

Isang residente sa lugar ang nakakita sa katawan ng lalaki na agad ipinagbigay-alam sa mga otoridad.

Ayon kay Barangay Sipa chairman Dennis Gagolinan ito na ang ikaapat na pagkakataon na may itinapon na katawan ng tao sa lugar.

Inaalam pa kung ano ang pagkakakilanlan ng biktima.

TAGS: Burgos, Quezon, Salvage victim, Burgos, Quezon, Salvage victim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.