Duterte hinamong pangalanan ang mga pinatay o pinapatay

By Isa Avendaño-Umali December 15, 2015 - 06:13 PM

duterte1
Inquirer file photo

Walang kredibilidad si Davao City Mayor Rodrigo Duterte hanggang hindi niya pinapangalanan ang kanya raw mga pinatay.

Ito ang pahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., sa isyu pa rin ng deklarasyon ni Duterte na marami na siyang napaslang.

Paglilinaw ng speaker, hindi niya inaaway si Duterte dahil sa katunayan ay gusto raw niya na ma-achieve ng alkalde ang “credibility.”

Ayon kay Belmonte, naniniwala naman siya na marami nang napatay si Duterte…pero napatay na langgam.

Pero sa interes ng mga tao, seryosong sinabi ni Belmonte na dapat mag-identify si Duterte ng mga kriminal o masasamang tao na kanyang pinatay.

Kung hindi man lahat, kahit kaunti lang daw, ani pa Belmonte, upang maimbestigahan din.

Nauna nang sinabi ni Duterte na nasa 1700 na raw ang kanyang napaslang, sa loob ng kanyang administrasyon bilang Mayor ng Davao City.

TAGS: Duterte challenged to name names of killed criminals, Duterte challenged to name names of killed criminals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.