Utos na habulin sa Bitag Media ang P60M na kwestyunableng ad placements ng DOT, aaksiyunan ng DOJ
Handang kumilos ang Department of Justice (DOJ) para makatulong sa pagbawi sa P60 milyon advertisement ng Department of Tourism (DOT) na napunta sa Bitag Media.
Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, ngayong inatasan na sila ng Malakanyang na habulin ang naturang halaga ay kagyat na silang aaksiyon para sa imbestigasyon.
Posible rin aniya na makipag-ugnayan sila sa tanggapan ng Ombudsman para sa bubuuing pagsisiyasat.
Paliwanag ng kalihim, lahat ng mga reklamo o katiwalian laban sa mga matataas na opisyal ng gobyerno, ang ombudsman ang siyang may mandato para gumawa ng kaukulang imbestigayson
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipauubaya na nila sa DOJ ang paghahabol sa nasabing halaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.