LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, June 6
By Dona Dominguez-Cargullo June 06, 2019 - 07:59 AM
Muling nabawasan ang water level sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.
Sa abiso ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, June 6, 166.99 meters ang water level ng Angat.
Mas mababa pa ito kumpara sa 167.31 meters na water level ito kahapon.
Wala namang pagbabago sa water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 68.79 meters.
Ang Ipo, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay pawang nabawasan ang water level.
Habang nadagdagan ng bahagya ang Ambuklao at Binga dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.