Pag-iral ng ITCZ lumakas pa; Visayas, Mindanao at malaking bahagi ng Luzon apektado na

Lumakas pa ang pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa PAGASA, apektado na ng ITCZ ang halos buong bansa.

Dahil sa nasabing weather system, ang Bicol Region, MIMAROPA, buong Visayas at Mindanao ay makararanas ngayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.

Pero malaki ang tsansa ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Read more...