Bangkay ng apat na tao kasamang nakuha sa isinasagawang clean-up drive sa mga basura sa Mt. Everest

By Dona Dominguez-Cargullo June 06, 2019 - 07:35 AM

May nakuhang apat na katawan ng tao sa ginagawang clean-up drive sa Mt. Everest.

Maliban sa mga bangkay, umabot sa 11 tonelada ng basura ang nahakot mula sa pinakamataas na bundok sa mundo.

Ayon sa mga Nepali climbers na nangunguna sa clean-up drive, ang mga basurang nahakot nla ay kinabibilangan ng mga bote, sirang tent, lubid, sirang hagdan, lata at plastic wrappers.

Ang apat na nakitang bangkay ay kabilang sa nasa 300 katao na nasawi sa nagdaang mga taon habang umaakyat sa Everest.

Natabunan sila ng snow sa nakalipas na mga winter kaya hindi agad natagpuan.

Ang clean-up team ay nakakulekta ng 5 tonnes ng basura noong April at May mula sa iba’t ibang camp sites na nasa itaas ng base camp habang 6 tonnes naman na basura ang nakuha sa ibaba ng base camp.

TAGS: cleanup drive, Mt. Everest, cleanup drive, Mt. Everest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.