Naaresto na ang apat sa pitong presong tumaka sa selda sa PCP 2 ng Antipolo City Police Station.
Sina Benedict Belmonte at Russel Martinez na kapwa may kasong robbery ay nahanap sa tinataguan nilang lugar sa Antipolo at Pasig.
Habang sina Edward Magalo at Dominic Gabanez ay isinuko naman ng kanilang kaanak.
Tatlo pa ang nawawala na kinilalang sina Angelo Roberto, Adrian Demetrio na kapwa may kasong may kaugnayan sa ilegal na drog at si Murphy Sison alyas Pengpeng na may kasong robbery.
Inamin ng isa sa mga tumakas na preso na ginamitan nila ng maliit na lagari ang bakal ng selda kaya sila nakatakas noong June 2 ng umaga.
Agad sinibak ang PCP commander at duty jailer ng police prencict matapos ang insidente.
MOST READ
LATEST STORIES