7 drug suspect arestado sa buy-bust operation sa Maynila

By Rhommel Balasbas June 06, 2019 - 04:39 AM

Contributed photo

Timbog ang pito katao sa isinagawang buy-bust operation ng Raxabago Police sa Brgy. 450, Sampaloc, Maynila.

Target ng operasyon si Maria Cristina Corpuz Roque na itinuturo ng mga naaarestong drug suspek sa Tondo na kanilang supplier ng droga.

Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, ginagamit ni Maria Cristina na front sa pagbebenta ng droga ang kanyang alalay at mga kapatid.

Nakilala ang mga alalay at kapatid ng suspek na sina Niño Ar-Ar Corpuz, Christian Ian Corpuz Roque at Renato Fabian.

Naabutan pa ng mga pulis na may kasamang tatlong parokyano ang alalay ni Maria Cristina na bibili sana ng droga.

Nakilala ang tatlong buyer na sina Edwin Samson, Doniel Baful at Christian Rivera.

Nakuha mula sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P300,000.

Pero itinatanggi ng target at ng kanyang mga kapatid at alalay na sila ay nagtutulak ng droga.

Sasampahan ang pitong suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 50 gramo, 7 arestado, alalay, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, Maynila, 50 gramo, 7 arestado, alalay, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.