Katawan ng pinugutang Malaysian engineer, nakita na

bernard then
Inquirer file photo

Natagpuan na sa Parang, Sulu ang hinihinalang katawan ng Malaysian engineer na pinugutan ng Abu Sayyaf Group.

Ayon kay Brig. Gen. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, alas diyes kagabi nang makita ang naaagnas nang bangkay ng kidnap victim na si Bernard Then sa Sitio Lungon Lungon sa Barangay Lanao Dakula.

Aniya ang bangkay ay agad dinala sa ospital sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo para makuhanan ng DNA samples.

Magugunita na si Then kasama ang Malaysian businesswoman na si Thien Nyuk Fun ay dinukot ng mga bandido sa Sandakan, Malaysia noong nakaraang Mayo katorse.

Si Then ay pinaniniwalaang pinugutan ng mga bandido na pinamumunuan nina Alhabsy Misaya at Idang Susukan at ang kanyang ulo ay isinilid sa sako at nakita sa Barangay Walled City sa Jolo.

Read more...